May Dalawang Paraan Sa Pag iinvest Sa Mutual Funds
1. LUMP SUM INVESTMENT METHOD
- ONE TIME BIG TIME KANG MAG IINVEST NG PERA MO.
Let's take for example the image below, mayroon tayong limang investors/shareholders na sabay sabay nag invest noong 1995 pero magkakaiba ang laki ng perang ininvest. Ang kasalukuyang NAVPS o net asset value per share ng mutual fund company na pinag invesan nila ay P1.10.
Si Investor 1 ay nag invest ng P100,000.
100,000 / 1.10 = 90, 909.09 shares ang nabili niya
Si Investor 2 ay may P200,000.
200,000 / 1.10 = 181, 818.18 shares ang nabili niya.
Ganun din kina Investor 3, 4, 5.
Dahil longterm ang kanilang goal, ang kasalukuyang NAVPS ng fund na kanilang pinag invesan ay tumaas at naging 39.51 na. Magkano na kaya ang perang ininvest nila 24 years ago?
Let's do the math.
Si Investor 1 ay may nabiling shares na 90,909,
90,909 shares x 39.51 NAVPS = P3,591,818 na ang kanyang pera.
Si Investor 2 ay may 181,818.18 shares
181,818.18 shares x 39.52 NAVPS = P7,183,636.
2. PESO COST AVERAGING METHOD
Peso cost averaging means setting aside a fixed amount of pesos to buy stocks consistency over several years.
Ito ay recommended na stratehiya para sa mga gustong mag invest pero walang malaking halaga.
Pag-aralan natin ang image na nasa baba. Halimbawa ikaw ay nag iinvest consistently ng P5,000 every month sa loob ng isang taon. Makikita dito na mula January - December, magkakaiba ang NAVPS kaya magkakaiba din ang bilang ng shares na nabili ng pera niya.
Ito ay dahil kapag mababa ang stock market, mas maraming shares ang iyong mabibili.
At kapag mataas ang stock market, mas konti ang iyong shares na mabibili.
Dito sa ating sample, ang kabuuan ng kanyang investment sa isang taon ay P60,000 at total of shares na kanyang nabili ay 20,916.67 kumpara sa 15,000 shares na nabili niya kung lump sum siya nag invest ng January.
Ang Entry fee o ang tinatawag rin na Front-end fee or Sales Load ay ibinibawas sa tuwing mag-iinvest tayo sa mutual fund which is around 1% to 5% of your total investment. Halimbawa, nag-invest ka ng P100,000, only P95,000 will be invested in the mutual fund because P5,000 (5% of P100,000) will be deducted as the Entry Fee.
Pwede ba mag-invest sa Mutual Funds without the Entry Fee? Kasi sayang naman yung binabawas.
This is just 1 of the 30 Lifetime IMG Membership Benefits that Members enjoy.
BONUS!Do you want to start investing in mutual funds through the IMG Membership platform?